Home About BNHS Alumni
Who we are? PDF Print E-mail
Written by BNHS Alumni   
Monday, 11 August 2008 00:42

BNHS Alumni Association provides services and resources that strengthen alumni's ties to BNHS and each other-across every stage of life and around the globe.

 

PANGAKO NG B.H.S.A.A. ALUMNI

Sa mataas na pagkilala at pagpapahalaga sa bawat gintong butil ng kaalaman na naging bahagi ng paghubog sa aming murang kaisipan at pagkatao, upang maramdaman namin ngayon ang maging isang mamamayang may pananagutan sa isang komunidad ng Diyos, buong puso ang aming pasasalamat sa aming Inang Paaralan.

Dahil dito, nangangako kami ng pagka-matapat at pamumuhay ayon sa kanyang simulain.

Sa aming maliit na kakayanan, at sa diwa ng Alay-Kapwa ay sisikapin naming maitaguyod ang adhikaing ipinunla sa aming mga puso, lalo na para  sa kapakanan ng mga batang mag-aaral na magiging kabalikat sa kaunlaran ng bayan sa kinabukasan.

Sisikapin naming maging magandang halimbawa para sa kanila, magampanan nang buong husay at katapatan ang gawain at atas ng buhay na itinakda sa amin,  upang ikarangal kami ng Inang Paaralan.

Tutulong kaming mapaunlad, ang kapakanan ng paaralan, at mga nagtapos dito at mamuhay sa diwa ng kapatiran, damayan at pagkalinga ayon sa Kristiyanong Aral.

Last Updated on Sunday, 18 July 2010 16:43
 
mod_vvisit_countermod_vvisit_countermod_vvisit_countermod_vvisit_countermod_vvisit_countermod_vvisit_counter
mod_vvisit_counterToday4
mod_vvisit_counterYesterday16
mod_vvisit_counterThis week20
mod_vvisit_counterLast week60
mod_vvisit_counterThis month65
mod_vvisit_counterLast month236
mod_vvisit_counterAll days1827

We have: 2 guests online
Your IP: 38.107.191.105
 , 
Today: Sep 07, 2010

Slideshow

Copyright © 2010 BNHS Alumni. All Rights Reserved.
Joomla! is Free Software released under the GNU/GPL License.